Ang registered mobile number niyo ang inyong account number.
Kung ikaw ay gumagamit ng Coins.ph app, makikita ito kung iyong pipindutin ang user icon sa bandang kaliwa sa itaas ng wallet screen:
Kung sa Coins.ph website naman kayo naka log-in, makikita ang inyong mobile number sa inyong account settings.
Habang nagca-cash in via InstaPay or PESONet, piliin ang DCPay Philippines o Coins.ph tapos ilagay ang inyong registered moble number bilang account number.
Tandaan na magkaiba ang account number sa inyong wallet address. Para sa iba pang paraan para magtanggap ng pera sa inyong account, maaaring basahin ito: Paano makakatanggap ng pera sa aking Coins.ph wallet?