Hindi maka log in dahil hindi tugma ang email at password sa aming records? ‘Wag mag-alala! Nagaganap ang error na ito kapag hindi tama ang password na nailagay sa login page.
Pakitandaan na ang password ay case-sensitive. Nirerekumenda namin na i-check kung naka-on/off ang Caps Lock kapag nilalagay niyo ang inyong password. Maaari niyo rin subukan na i-reset ang inyong password gamit ang Forgot Password option sa Log In page.
Paalala lang po na ang password reset codes ay ipinapadala sa mobile number na konektado sa inyong account. Kung wala naman kayong number na konektado, sa email inbox ipapadala ang password reset codes.
Nakakaranas ng ibang error? Maaaring mag-email sa help@coins.ph, o kaya naman ay mag-send ng in-app message kung kailangan niyo ng karagdagang tulong sa inyong account.