Habang ang mga cryptocurrencies at ang teknolohiya ng digital ledger na nagpapatakbo sa mga ganitong virtual assets ay nagpapakita ng potensyal sa pasilitasyon ng mga lehitimong serbisyong pampinansyal tulad ng mga pagpapadala ng pera at pagbayad, may mga likas na panganib na kailangang ikonsidera.
Narito ang isang listahan ng mga panganib kapag ginagamit ang mga cryptocurrencies, na kilala rin bilang mga Virtual Currencies (VCs):
1. Mabilis na nagbabago ang mga presyo
Ang halaga ng isang virtual currency (VC) ay apektadong apektado sa supply at demand. Sa ibang salita, tumataas ang halaga nito habang dumadami ang mga taong gustong makakuha ng VC na iyon, at bumababa naman kapag may mga hindi magandang pangyayari o negatibong balita ukol sa mga VCs. Dahil sa mga haka-haka sa merkado ng VC, ang mga presyo ay hindi matatag at pabagu-bago. Ang mga users na nagte-trade, nag-iinvest, at/o tumatanggap ng VCs ay nagdadala ng panganib na malugi. Walang legal na proteksyon para sa mga VC users sa mga kasong iyon.
Sa Coins.ph, palaging may confirmation screen bago magawa ang isang conversion o purchase. Maaari ring subaybayan ang paggalaw ng presyo sa app, sa aming widgets feature, at sa link na ito: https://coins.ph/buy-cryptocurrency/
2. Potensyal para sa paggamit na labag sa batas
Mataas ang anonimidad (hindi pagpapakilala) sa mga VC transactions. Ang mga tagalikha, mga nagpapadala, at mga padadalhan ay maaaring makipag-transact nang madali at mabisa nang hindi nalalaman ang totoong pagkakakilanlan ng isa't isa. Ang pseudo-anonymous at online na katangian ng mga VCs ay kaakit-akit sa mga pandaraya, scammer, at mga taong may balak na gumawa ng paglabag sa batas, tulad ng paglilinis ng pera at pagpopondo ng terorista. Maaaring maapektuhan ang mga lehitimong VC users kung sakaling hihigpitan ng mga tagapagpatupad ng batas ang mga ilang VC Exchanges.
Nais naming ipaalala sa mga customers na mag-ingat nang husto sa pagkukumpleto ng kani-kanilang cryptocurrency transactions dahil lahat ng mga transaksyon ay itinuturing bilang tapos at di-maibabalik. Mag-ingat sa mga pagkakataon sa pamumuhunan na nag-aalok ng mabilis na gantimpala/reward, siguraduhin na ang mga entidad na hinaharap niyo ay mga negosyong nakarehistro nang maayos, atbp. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pagtitiyak sa kaligtasan ng inyong pera, maaaring basahin ang aming seksyon sa Kaligtasan at Seguridad.
3. May posibilidad na manakaw o mawala
Katulad ng anumang uri ng asset na available online, ang mga VCs ay maaaring dumanas ng hacking o pagnanakaw, virus infection, at mga iba pang cyber threats. Maaari ring mawala ang mga private keys ng users na ginagamit para i-secure ang VC wallet, o maaaring mapunta ang kani-kanilang login credentials sa kamay ng mga malisyosong tao. Dapat magsunod ang mga VC holders sa mga mahusay na security practices at iba pang safety measures para maprotektahan ang kani-kanilang mga VC accounts.
Ang mga serbisyo ng Coins.ph ay nag-ooperate gamit ang mga pamantayan sa industriya katulad ng SSL connections at AES-225 Encryption. Gayunman, ang mga account holders ay may responsibilidad na siguraduhin na sila lamang ang nakakagamit sa kani-kanilang account (walang ibang may access dito), paganahin ang two-factor authentication (2FA) o siguraduhin ang mga one-time password (OTPs) ay hindi maa-access ng ibang tao, atbp. Maaaring tingnan ang artikulong ito para sa mga iba pang security tips: Paano ko iingatan ang aking Coins.ph wallet?
4. Ang mga VC transactions ay agad-agad nangyayari at hindi mababawi
Kung sakaling mayroong mapanlinlang, unauthorized o maling mga transaksyon, maaaring mahirapan ang mga VC holder sa pagre-reverse o pagbabawi ng mga transaksyong ito. Ang mga VC holders ay hindi makakapagsampa ng reklamo o humingi ng pagdulog dahil walang sentral na awtoridad o issuer na naggagarantiya ng mga VCs.
Dapat mag-ingat ang mga customers sa pagkukumpleto ng kani-kanilang mga cryptocurrency transactions dahil lahat ng mga transaksyon ay itinuturing na pangwakas at hindi na mababawi. Siguraduhin na lahat ng mga detalye (hal. wallet address, destination tag, halaga) ay tama bago ikumpirma ang transaksyon.
Nais din naming ipaalala sa aming mga customers na mag-ingat sa mga oportunidad sa pamumuhunan na nag-aalok ng mga mabilisang kita/gantimpala, tiyakin na ang mga entidad na inyong hinaharap ay mga negosyo na nakarehistro nang maayos, atbp. Para sa higit pang impormasyon sa pagtitiyak ng seguirdad ng inyong pera, maaaring tingnan ang aming seksyon sa Kaligtasan at Seguridad.
5. Ang mga VC holdings ay hindi nakaseguro o insured
Sa Pilipinas, ang mga VCs ay hindi itinuturing bilang mga depsito. Kung sakaling magsara ang mga VC Exchanges o tumigil ang kanilang operasyon, ang mga VC holders ay hindi makakapag-claim ng deposit insurance mula sa Korporasyon ng Segurong Deposito ng Pilipinas o Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).
Bilang isang rehistradong Virtual Currency Exchange sa ilalim ng BSP, ang Coins.ph ay sumusunod sa lahat ng mga regulasyon na kinakailangan para sa seguridad ng pera ng mga customers.
Kung gusto niyong matuto nang higit pa tungkol sa mga virtual currencies, makatutulong ang mga sumusunod na resources: