Kung kaka-transfer lang nila ng crypto papunta sa Coins.ph, pero hindi pa ito pumapasok, maaaring tingnan ang mga sumusunod na bagay:
- Kinukumpirma pa ba ang transaksyon nila sa blockchain? Matuto nang higit pa rito: Kailan mag-uupdate ang aking balanse pagkatapos gumawa ng blockchain transfer patungo sa/mula sa aking wallet?
- Tama ba ang inilagay na wallet address? Maaaring basahin itong guide kung kailangan nila ng tulong sa paghahanap ng kanilang wallet address: Ano ang isang cryptocurrency wallet address?. Kung napadala ang pondo sa maling wallet, maaaring basahin itong artikulo: Tulong! Nagpadala ako ng crypto sa maling wallet address.
- Kung nag-transfer sila ng XRP sa kanilang wallet, tama ba ang inilagay na destination tag? Kung kailangan nila ng tulong dito, maaaring basahin itong artikulo: Tulong! Mali ang nailagay kong destination tag sa aking incoming XRP transfer.
- Sinusuportahan ba ang token sa aming platform? Kung hindi, maaaring alamin ang aming mga patakaran dito.
- Dumaan ba ang pondo sa blockchain network na sinusuportahan ng aming platform (hal. Ethereum Main / ERC-20 network)? Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa networks na sinusuportahan ng aming platform, maaaring basahin ang pahinang ito: Anu-ano ang mga sinusuportahang network sa Coins.ph?
Kung kailangan pa nila ng tulong sa kanilang incoming transfer, maaaring magpadala ng mensahe sa amin ito kasama ang kanilang transaction hash link para mabalikan sila ng aming team sa loob ng 24 oras.