Ang QR Ph ay isang pambansang pamantayan sa QR code na nagpapahintulot sa mga transfer sa mga nakikilahok na bangko at e-wallet sa Pilipinas. Dahil in-adopt na ng Coins.ph ang pamantayang ito, makatatanggap kayo ng pera mula sa mga taong gumagamit ng ibang bangko at e-wallet sa pagbabahagi ng inyong QR code. Makakapagpadala rin kayo ng pera sa mga ibang bangko at e-wallet sa pag-scan ng QR code ng inyong recipient o sa pag-upload ng screenshot ng QR gamit ang inyong Coins.ph Wallet.
Ang mga nakikilahok na bangko at e-wallet na may ganitong pamantayan ay may asul, pula, at dilaw na disenyo sa gitna ng QR code:
Panoorin: How to use QR Ph ("Paano Gumamit ng QR Ph") ng Bangko Sentral ng Pilipinas
Narito ang listahan ng mga nakikilahok na bangko at e-wallet pagsapit ng Marso 31, 2021:
Sender/Receiver | |
|
|
Receiver Lamang |
|
Mga Gabay:
- Paano Magpadala ng Pera sa Pag-scan ng QR Code
- Paano Magpadala ng Pera sa Pag-upload ng QR Code
- Paano Tumanggap ng Pera Gamit ang QR Code
Paano Magpadala ng Pera sa Pag-scan ng QR Code
Step 1: Hingin ang QR code ng recipient. Siguraduhin na ang QR ay isang QR Ph code.
Step 2: Buksan ang inyong Coins app at pindutin ang Send.
Step 3: Pindutin ang Scan QR Code.
Step 4: Kapag na-scan na, lalabas ang cash out screen. Ilagay ang halagang babayaran.
Step 5: Tingnan nang mabuti ang lahat ng detalye tapos mag-Slide to Pay!
Paano Magpadala ng Pera sa Pag-upload ng QR Code
Step 1: Hingin ang QR code ng recipient. Siguraduhin na ang QR ay isang QR Ph code.
Step 2: Buksan ang inyong Coins app at pindutin ang Send.
Step 3: Pindutin ang Scan QR Code.
Step 4: Pindutin ang Upload QR Code.
Step 5: Kapag na-upload na, lalabas ang cash out screen. Ilagay ang halagang babayaran.
Step 5: Tingnan nang mabuti ang lahat ng detalye tapos mag-Slide to Pay!
Paano Tumanggap ng Pera Gamit ang QR Code
Step 1: Buksan ang inyong Coins app at pindutin ang Receive.
Step 2: Pindutin ang Show Coins QR Code.
Step 3: Ibigay ang inyong QR code sa sender.
Maaari kayong humingi ng tiyak na halaga, na magbabago sa itsura ng QR code o ibahagi ang code na nakikita mismo para makatanggap ng anumang halaga. Mayroon ding option para madaling makapag-share ng inyong QR code sa mga ibang messaging apps na naka-install sa inyong phone.
Mahalagang Paalala: Kailangang phone verified at Level 2 verified o higit pa para makatanggap ng InstaPay transfers.
Kailangan ng karagdagang tulong sa pagpapadala o pagtanggap ng pera? Mangyaring magsumite ng request dito o magpadala ng in-app message.