Maingat na sinusuri ng aming Compliance officers ang mga dokumentong isinusumite para sa verification. Sa pangkalahatan, narito ang aming tips para ma-verify agad-agad ng inyong Coins.ph account:
- Siguraduhing kumpleto ang larawan ng inyong dokumento, sapagkat kailangan makita ang buong ID/dokumento upang ma-verify ito.
- Siguraduhing kumuha ng malinaw na larawan. Kung sakaling hindi tinanggap ang inyong ipinasa, maaaring ito ay madilim, malabo, o hindi nakikita dahil natakpan ng flash ng inyong camera.
- Magsumite ng ID/dokumento na valid. Makikita ang listahan ng valid IDs sa link na ito.
- Siguraduhing mabilis ang inyong internet connection.
- Siguraduhing pasok sa 20 MB ang ID/dokumento na isusumite. Makatatanggap lamang ang sistema namin ng mga larawang may JPG, PNG, or PDF file format.
- Sa wakas, siguraduhing ikaw mismo ang nasa larawan! ☺
Makakatanggap kayo ng email kapag naproseso na ang inyong submission. Kung sakaling nasundan lahat ng aming tips ngunit hindi tinanggap ang inyong submission, maaari niyong balikan ang email upang makita ang dahilan kung bakit hindi ito natanggap.
Kung nais niyong makipag-ugnay tungkol sa inyong submission, maaari niyo kaming i-contact sa help@coins.ph para mas maalalayan namin kayo sa inyong verification.