Unang prayoridad sa Coins.ph ang inyong seguridad. Dahil dito, kinakailangan ng bawat customer na gumawa ng sarili nilang password. Kung hindi niyo na matandaan ang inyong password, ito ang mga hakbang kung paano ma-a-access muli ang inyong Coins.ph account:
1. Sa Log in page, i-click ang Forgot Password.
2. Mare-redirect kayo sa web page ng Coins.ph.
3. Ilagay ang mobile number at dito makakatanggap ng verification codes sa pag-reset ng inyong password. Kung wala namang mobile number na nakalagay sa inyong account, i-click ang "I don't have an email address linked to my account" at ilagay ang email address ng inyong account para matanggap ang password reset codes via email.
4. Bumalik sa Log In page at ilagay ang verification code na natanggap sa inyong mobile number o email address.
5. Gumawa ng panibagong password at siguraduhin na hindi ito bababa sa 10 na karakter at mayroon ng mga sumusunod:
- hindi bababa sa 1 maliit na letra [a-z] at
- hindi bababa sa 1 malaking letra [A-Z] at
- hindi bababa sa 1 karakter na numero [0-9] at
- hindi bababa sa 1 karakter na espesyal: ~`!@#$%^&*()-_+={}[]|\;:"<>,./?
Dahil dito, mayroon kaming mga ideya upang mapa-simple ang inyong password at maprotektahan ang inyong account. Para sa mga tips na ito, maaari kayong pumunta dito.
Kung may mobile number na konektado sa account ninyo at nawala niyo ang number na ito, maaari kayong mag email at humingi ng tulong mula sa amin sa help@coins.ph.