Dahil ang Coins.ph account ay personal at hindi natatransfer, isang Coins.ph account lang ang pwede para sa bawat tao, ayon din sa User Agreement.
Hindi pa ID and selfie verified ang dati kong account.
Kapag hindi pa ID and selfie verified ang inyong account, hindi na ito kailangan ipadelete. Pwede ninyong piliin kung anong account ang gagamitin niyo bilang verified account. Kapag nakapili na kayo, gawin lamang na iverify ang ID at selfie niyo dito.
ID and selfie verified na ang dati kong account.
Kapag verified na ang dati ninyong account, kakailanganin na ang inyong susunod na transactions sa Coins.ph ay gamit ang itong account dahil nagamit niyo na ang impormasyon niyo sa pagverify nito. Samantala, dahil verified na ang account niyo, makakapag cash out na rin kayo mula sa account na ito.
Kung nagkakaproblema kayo sa pagpasok o Log In sa inyong account dahil sa sumusunod:
- Nawala ang sim ng inyong verified account;
- Nawalan kayo ng access sa email na nakakabit sa inyong verified account; o
- Hindi niyo naalala na may naverify na kayong account dati
Maaaring lapitan na lang kami at i-email sa help@coins.ph gamit ang inyong email address para macheck namin ito at matulungan kayo sa paggamit ng inyong account muli.
Kung may karagdagan kayong katanungan, huwag mangambang lumapit sa amin sa help@coins.ph.