Isa sa loaning partners ng Coins.ph ay ang TALA. Maaari nilang ipadala ang inyong loan sa inyong Coins.ph kung saan pwede kayo magcash-out, magbayad ng bills, o bumili ng load.
Tandaan na mobile number ang basehan ng pagpadala nila ng pera. Kung magkaiba ang number na nakarehistro sa Coins.ph, doon sa magkaibang number maipapadala ang loan, at hindi mismo sa inyong Coins.ph account.
Huwag mag-alala! Maaari pa ring makuha ang loan sa inyong Coins.ph account. Kailangan lamang palitan ang nakarehistrong number upang maging tugma sa number na nakarehistro sa loaning company. Kapag napalitan na ang number, matatanggap na ang loan.
STEP 1
Maglog-in sa Coins.ph inyong account sa website.
STEP 2
Kung nakalog-in na, makikita sa kanang bahagi sa itaas ang inuong pangalan. I-click ang pangalan at pumunta sa “Settings”.
STEP 3
Sa Settings, makikita ang “General” at pindutin ang “Change Mobile”.
Ilagay ang number na ginamit sa TALA at pindutin ang “Send Code.”
STEP 4
Makakatanggap kayo doon sa number ng SMS na may verification code.
Ilagay ang code at pindutin ang “Verify Phone.”
Makikita ang pagkunpirma ng pagpalit ng mobile number.
Ayos! Kapag napalitan na ang number sa inyong Coins.ph maging tugma sa loaning company, agarang matatanggap ninyo ang loan.
Para matutong magcash-out, puntahan lamang ang link na ito.
Kung may karagdagang katanungan, mag-email sa help@coins.ph.