Kung hindi niyo ginagamit ang account, maaaring iwanan muna lamang ang account. Hindi po ito kailangan ipa-deactivate. Huwag mag-alala, wala maintaining balance o fees ito. Maaaring panatilihing naka-logout lamang ang account.
Sa ganitong paraan, kung gusto niyo ulit magamit ang account, hindi na kailangan gumawa ng bago at mag-verify ulit. Mag-login lang muli gamit ang registered email o number para magamit ang aming mga serbisyo.
Kung sakaling nagpapa-deactivate kayo dahil mayroon kayong higit sa isang account, maaaring tingnan ang artikulong ito para sa karagdagang impormasyon.
Kung nais niyo pa rin magpatuloy sa deactivation, magpadala po ng mensahe sa help@coins.ph o mula sa app para matulungan kayo ng aming team.