Ang cryptocurrency wallet address ay ang inyong unique digital account number na nagpapahintulot sa inyo upang makatanggap ng crypto funds. Parang bank number, pero para sa inyong cryptocurrencies. Ang bawat address ay:
- Unique sa inyong wallet
- Case-sensitive
- Natatangi sa bawat cryptocurrency
- Kailangan upang makatanggap ng funds mula sa external wallets
Paano mahanap ang inyong wallet address
Sundan ang mga hakbang sa artikulo rito kung paano mahahanap ang inyong wallet address para sa bawat token sa inyong Coins.ph app at website.
BTC Wallet Address
Ang inyong Bitcoin wallet address ay makatatanggap lang ng BTC.
Binubuo ang address na ito ng 34 random na digits (na binubuo ng mga numero at titik, na uppercase at lowercase). Ito ay isang halimbawa ng Bitcoin wallet address: 13BE7m4GnGAbdxfzrTgaV9wYmHkGbrarAP
XRP Wallet Address
Dahil hosted wallet ang Coins.ph, ang inyong XRP wallet address ay pareho sa mga ibang Coins.ph accounts maliban sa destination tag.
Para makuha ang inyong unique Destination Tag, pindutin ang receive button ng inyong XRP wallet para makita at kopyahin ito. Makikita ninyo ang isang sample sa ibaba:
BCH Wallet Address
Ang inyong Bitcoin Cash wallet address ay makatatanggap lamang ng BCH (BCHN).
Paalala na ang inyong BTC at BCH wallet addresses ay hindi interchangeable. Kung mali ang ginamit na wallet address, maaaring magkaroon ng cross-chain deposit na maaaring magresulta sa permanenteng pagkawala ng inyong pera.
ETH Wallet Address
Ang inyong wallet ay makatatanggap lamang ng ETH at sinusuportahang ERC-20 tokens na ipinadala mula sa ETH network (i.e. makikita ito sa Etherscan).
Kung ibang klaseng currency o token ang ipinadala sa inyong wallet address, malaki ang posibilidad na permanenteng nawala ang inyong pera.
Basahin rito ang pinakabagong listahan ng Supported Tokens at Networks ng Coins.ph bilang gabay.
Frequently Asked Questions
Ano ang mangyayari kung magpadala ng crypto sa maling address?
Ikinalulungkot namin ipaalam na ang transactions na ipapadala sa maling address kadalasan ay irreversible at magreresulta sa permanenteng pagkawala ng inyong funds. Mangyaring icheck ang aming polisiya ukol sa maling address deposits.
Bakit kailangan ko ng magkakaibang address para sa iba’t ibang cryptocurrencies?
Ang bawat cryptocurrency ay gumagalaw sa sarili nitong network na may kakaibang address formats upang iwasan ang pagkakalito sa cross-chain. Sumangguni dito para sa available cryptocurrencies at networks sa Coins.