Hinihikayat namin ang aming users na maging ID at selfie verified upang mas ma-enjoy at magamit ang aming mga serbisyo. Mabilis at madali lamang ang pag-verify ng inyong ID at selfie. Tingnan ang aming step-by-step guide kung paano magiging ID at selfie verified gamit ang aming app o website.
Gamit ang Coins.ph App:
Upang ipasa ang inyong ID gamit ang mobile app, piliin ang Limits and Verifications sa itaas na kaliwang menu. I-tap ang Identity Verification button at gawin ang sumusunod:
1. Ibigay ang inyong general information. Itatanong sayo ang inyong Gender (Kasarian), Birthplace (Lugar ng Kapanganakan), at ang inyong SSS, TIN, or GSIS ID number, kung mayroon.
2. Ibigay ang inyong employment status at ang inyong source of income.
3. Piliin ang industriya ng inyong trabaho, at ibigay ang pangalan ng Kumpanya kung saan ka nagtatrabaho, pati narin ang inyong posisyon sa trabaho.
4. Pumili ng isang Valid Government ID na nasa aming listahan at ilagay ang inyong ID number. Para malaman kung anu-ano ang mga tinatanggap naming IDs, mag-click dito.
5. Mag-upload ng larawan ng inyong piniling valid ID. Mangyaring tandaan na para sa ilang mga ID, kailangan ng sistema na magsumite rin kayo ng back ID image. Maaari kang mag-click dito upang suriin ang ilang mga tip para maging mas mabilis ang verification.
Kapag na-upload na ang larawan, mare-redirect ka sa isang pahina upang suriin ang inyong larawan sa ID. I-check ang bilog at siguraduhing na-meet ng inyong larawan ang mga kinakailangan, pagkatapos ay i-click ang SUBMIT.
Upang ipasa ang inyong selfie, i-tap lamang ang Selfie Verification button at maaari ninyong sundan ang mga sumusunod na hakbang:
1. Kunin ang litrato ng inyong sarili na nakahawak ang inyong valid government ID. Maaari ninyong sundan ang aming gabay kung paano kumuha ng tamang selfie. Siguradhuhin na kukunin ninyo ang selfie sa Coins.ph mobile app dahil hindi namin tinatanggap ang mga uploads mula sa mga external sources.
Tapos na! Mapoproseso ang inyong ID at selfie verification sa loob ng 3 araw. Makatatanggap kayo ng notification kapag nasuri na ang inyong ipinasa.
Para ma-verify ang inyong ID at selfie gamit ang web, maaaring sundin ang mga sumusunod:
1. Sa itaas na kanang bahagi ng screen, i-click ang icon na katabi ng inyong pangalan, at i-click ang Limits and Verifications
2. I-click ang "Verify now" button sa Identity Verification na bahagi ng screen.
3. Ibigay ang inyong Personal details at source of funds.
4. Mag-upload ng larawan ng inyong piniling wastong ID at ibigay ang inyong ID number. Para sa ilang mga ID, kakailanganin mong i-upload din ang back image nito.
Upang i-verify ang inyong selfie gamit ang web, maaari mong i-click ang "Verify now" sa Selfie verification na bahagi ng screen, at makikita mo ang guide kung paano kukuha ng tamang selfie.
Siguraduhin na i-allow ang aming website na gamitin ang camera ng inyong gadget. I-click lamang ang "OK" at maaari ka nang kumuha ng selfie. Gayundin, tandaan na hindi katulad ng ID verification, hindi namin tinatanggap ang mga pag-upload mula sa external source para sa selfie verification.
Maaari niyo kayo mag submit ng ID at selfie dito!
Kung may katanungan pa po kayo, maaari niyo po kaming kontakin sa Coins app o sa form na ito.